
Setyembre 19, 2025
Sa Likod ng Kamera
ni Gheno

Bata pa lang si Julia, kinahiligan na niya ang pagbibidyo at pagkuha ng mga litrato. Hanggang sa kaniyang paglaki, ito ang kanyang ginagawa at ito rin and bumubuhay sa kanya. Isang araw, wala siyang maisip na content para sa kanyang susunod na vlog. Nagtingin- tingin siya sa kanyang paligid at nakita niya ang isang magandang lawa. Binidyohan niya ito at ibinahagi sa social media ang kwento ng lawang kumuha ng kanyang atensiyon.
Sa panahon ngayon, mayroon ng isang trabaho na hindi na kailangan ng diploma. Isang trabaho na mag-eenjoy kana, makikita kapa – ang pagiging influencer. Ito ang bumubuhay sa ilang mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Ang pagiging influencer ay hindi lamang tungkol sa pagbibidyo o paggawa ng content, kundi tungkol sa pagbabahagi ng kaalaman at pagbibigay-inspirasyon. Sila ay kilala rin bilang isang “storyteller”, na nagbabahagi ng isang kwentong tatatak sa puso at isipan ng mga manonood. Pagkain, pagtulong, paglalakbay ay ilan lamang sa kanilang mga ginagawang content.
Isa sa kanilang mga content ng malaki epekto at naipakita sa mundo, ay tungkol sa turismo. Malaki ang kanilang mga naiambag. sa pagpapakita ng tinatagong kagandahan ng isang lugar. Sa pamamagitan nito, nakilala at naipakita sa buong mundo ang nakakamanghang tanawin ng iba’t ibang lugar.
Sa huli, ang pagiging influencer ay maraming layunin, hindi lamang sa pagbibigay-inspirasyon, kundi pagpapakita ng mga lugar kung saan nakakaramdam tayo ng kapayapaan. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa kapag ikaw ay hindi nakapagtapos, maraming solusyon sa ating problema kabilang na ang pagpindot sa kamera.
Leave a comment