Setyembre 19, 2025
Hiwaga ng Kamera
ni Gheno

Si Jona ay isang taong mahilig maglakbay, kaya naman, noong nagkaroon na siya ng marangyang trabaho ay inanyayahan niya ang kaniyang kaibigan na si Madi upang lakbayin ang buong Pilipinas. Matagal na itong pinapangarap ng dalawa. Una nilang pinuntahan ang Chocolate Hills sa Bohol, sunod naman ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao, Boracay sa Aklan, at iba pang lugar na tiyak na mamangha ang iyong mga mata. Dahil minsan lang itong mangyare sa kanilang mga buhay, ay wala silang sinayang na sandal upang kumuha ng mga litrato. In-upload nila ito nila ito sa social media dahilan ng pagdami ng mga turista na pumunta sa Pilipinas para lang makita ang kagandahan nito.
Sa modernong panahon, ang paglalakbay ay hindi lamang tungkol sa mga lugar na iyong pupuntahan, kundi tungkol sa pgababahagi mo nito sa buong mundo. Hindi kompleto ang iyong byahe kung walang mga litrarato at bidyo na pwede mong i-upload sa social media. Dahil dito, mas nakilala at natatanaw ng mga tao ang kagandahan ng isang lugar kahit hindi pa ito nakakaapak dito.
Sa Pilipinas, maraming lugar ang palaging binabalik-balikan ng mga turistang nagmula sa iba’t ibang bansa. Sila ay na-eengganyo sa mga nakikita nila sa social media tungkol sa mga tourist spot dito, kaya naman sila ay nahikayat na pumunta upang makita at maranasan ang kagandahan ng mga lugar dito. Ngunit sa panahon ngayon, hindi kompleto and iyong paglalakbay kung wala kang dalang kamera. Sa pamamagitan nito, maaari mong kunan ng litrato and lahat ng magandang karanasan mo.
Bukod dito, maaari mo rin itong maipakita sa buong mundo sa pamamagitan ng pag-upload nito sa social media. Dahil dito, naipapakita mo ang kagandahang taglay ng Pilipinas. Nagpapakita ito na ang paglalakbay, ay mas nagiging masaya dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Leave a comment