

Scara Kuni
Setyembre 19, 2025
Hadlang sa Turismo; Krisis sa Visa sa Pilipinas
Sa isang bansa na kilala sa ganda ng kalikasan, yaman ng kultura at ngiti ng mga tao, isang hadlang ang tila hindi inaasahan ang bumabagabag sa inaasahang pag-angat ng turismo; ang mabagal, komplekado, at mahabang proseso ng visa. Sa gitna ng pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) na ibalik ang sigla at panumbalik ng mga lugar na magandang puntahan na dahil sa sektor pagkatapos ng pandemya, isa sa mga pangunahing problema na patuloy na inirereklamo ng mga dayuhang turista ay ang sistema ng visa sa Pilipinas. Habang ang ibang bansa sa Asya ay nagpapadali ng pagpasok, tila kabaliktaran ang nangyayari sa atin at ang epekto ay mas malala sa inaasahan ng marami.
Ayon sa mga ulat at pahayag mula sa mga stakeholder sa industriya ng turismo ay marami sa mga potensiyal sna turista ang nawawalan ng gana dahil sa napakatagal at komplekadong pagkuha ng visa. May mga pagkakataong inaabot ng linggo o buwan bago maaprubahan, samantalang sa ibang bansa ay maari itong gawin sa online sa loob ng ilang oras o araw lamang. Sa ganitong kalakaran hindi makakailang lumilipat ang mga dayuhang turista sa mas “tourist-friendly” na bansa tulad ng Thailand, Vietnam, Indonesia at iba pa. Malinaw na nawawala ang kita at opurtunidad na sana’y para sa mga Pilipino.
Hindi lang ito usapin na abala. Ito ay isang suliraning may direktang epekto sa ekonomiya. Ang bawat turista na nawawala ay katumbas ng nawawalang kita para sa mga maliit na negosyo, lalo na sa mga lugar tulad ng Boracay, Siargao at iba pa na umaasa sa turismo bilang pangunahing kabuhayan, ang kawalan ng dayuhang turista ay nagdudulot ng malaking problema sa kabuhayan ng mga residente. Hindi sapat ang promosyon o pag dalo sa mga international na travel fair kung sa mismong pintuan pa lang ng bansa ay nahihirapan na ang mga turista.
Ang Department of Tourism ay kailangang kumilos hindi lamang sa aspeto ng promosyon, kundi pati na rin sa pakikipag-ugnayan sa mga reponsable sa imigrasyon at prosesong visa. kailangang magkaisa ang mga kagawaran upang makagawa ng isang sistemang moderno, mabilis at makatao na hindi lamang magpapadali sa pagdating ng mga turista kundi magpapakita rin ng pagiging bukas ng Pilipinas sa mundo. Hangga’t hindi ito naaayos, sagabal ang sistema ng visa sa inaasam na pagbangon ng turismo at tayo ay patuloy na malulugi.
Leave a comment