An Mabatong Tagdan

the official newsletter of ANHS

AUS pinatumba ang USA

Mira Valen

Setyembre 19, 2025

“SIPANG TAGUMPAY” Ika-21 ng Oktubre 2019, nagwagi si Michael Nicholas WOODWAR sa World Mushu Championships Men’s 85kg

Nagwagi ng gintong medalya si Michael Nicholas WOODWAR (Australia) laban kay chih-mei WANG (United States of America) 2-1 sa Hengyuan Xiagng Group (HXG) World Mushu Championships Men’s 85kg final, na kung saan ginanap sa Shanghai China noong October 21, 2019.

Hindi paman nakakapagsimula ang matinding paglalaban ay ramdam mo na ang kaba at eksaytment ng mga manonood at manlalaro.

Sa unang sabak ng laro ay nagpakitang gias agad si WOODWAR ngunit hindi nagpatala si WANG kaya’t naka tanggap ng hindi maka tumbas na sipa at suntok si WOODWAR 1-0.

Sa ikalawang sabak ng laro ay bumawi at sumagad ng isang napaka lakas na sipa si WOODWAR.

Dahil umano sa labis na lakas sa pagsuntok at sipa ni WOODWAR ito’y naging dahilan para umiskor siya ng 1-1.

Umugong ang kaba ng mga manonood dahil sa mga pangyayari sa laro.

Sa kalagitnaan ng laro ay nagbitaw ng isang napaka tamis at sarap na sipa at suntok si WOODWAR dahilan ng pgkapanalo nito 1-2.

“Hindi ako nawalan ng pag-asa at tiwala sa aking sarili na mananalo ako sa larong ito kahit pa natalo ako sa unang set,” ani ni WOODWARD.

Ang panalong ito ay nagsimula sa isang talo na nagbigay sa kanya ng buhay para magtiwala lang sa sarili at lumaban para manalo.

Posted in

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started